Ipinahayag Abril 22, 2018 ni Xie Xiaoyan, Sugo ng Pamahalaang Tsino sa isyu ng Syria ang pag-asang magsisikap ang mga may-kinalamang panig para mapahupa ang maigting na kalagayan sa Syria, sa halip na eskalasyon ng situwasyon.
Tinukoy ni Xie na ang kalutasang pampulitika ay tangiang paraan sa paglutas sa nasabing usapin. Umaasa aniya siyang magsisikap ang komunidad ng daigdig para pangalagaan ang pundamental na pangangailangan at mithiin ng mga mamamayang Syrian, at mapapanumbalik ang diyalogo ng mga may-kinalamang panig para rito.
Aniya, tinututulan ng Tsina ang paggamit ng anumang bansa, organisasyon at indibiduwal ng mga sandatang kemikal.