|
||||||||
|
||
NANINIWALA si Foreign Affairs Secretary-Designate Teodoro Locsin, Jr. na magiging maganda nag kahihintanan ng pagtutulungan ng Tsina at Pillipinas. Ito ang kanyang pahayag sa idinaos na Press Briefing sa Davao City kanina matapos ang kanilang bilateral meeting sa Marco Polo Hotel.
Sa pahayag ng Department of Foreign Affairs, sa pamamagitan ng kanilang Office of Public Diplomacy, naupo at nag-usap ang magkabilang panig kaninang umaga at inalam kung ano ang kinahinatnan ng magandang relasyon ng dalawang bansa sa nakalipas na dalawang taon.
Pilipinas at Tsina Nag-usap. Makikita sa mga larawan ang mga koponan ng Pilipinas at Sina sa kanilang Bilateral Meeting sa Marco Polo Hotel sa Davao City. Pinamunuan ni State Councilor at Foreign Minister Wang Yi ang Chinese delegation at ni Foreign Secretary Teodoro L. Locsin, Jr. ang pang ng Pilipinas. (Mga larawan pula sa DFA/OPD)
Magugunitang dumating kahapon sa Davao City si State Councilor at Foreign Minister Wang Yi upang pasinayaan din ang Chinese Consulate General sa Davao City.
Sumaksi rin ang dalawang opisyal sa paglagda sa tatlong kasunduan, ang Exchange of Letters on the Feasibility Study of the Davao River Bridge Project, ang Handover Certificate of Law Enforcement-Related Materials/Equipment at ang Handover Certificate of Emergency Humanitarian Assistance.
Pinag-usapan din ang tungkol sa maritime cooperation. Naninindigan pa rin ang Pilipinas sa kahalagahan ng Declaration of Conduct in the South China Sea.
Pinag-usapan din nila ang napipintong pagdalaw sa Pilipinas ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa darating na Nobyembre. Si Pangulong Xi ang ikawalong pinuno ng Tsina na dadalaw sa Pilipinas mula ng magkaroon ng diplomatic relations ang dalawang bansa noong 1975.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |