|
||||||||
|
||
Ayon sa pinakahuling panlimahang taong pambansang plano ng Tsina hinggil sa pagpapaunlad ng estratehikong bagong sibol na industriya, sa 2020, tinatayang aabot sa 15% ang proporsyon ng added value ng mga estratehikong bagong sibol na industriya sa Gross Domestic Product (GDP). Batay rito, limang pillar industry ang bubuuin na kinabibilangan ng bagong henerasyon ng information technology (IT), high-end manufacturing, biolohiya, green low-carbon at digital creativity. Aabot sa 10 trilyong yuan ang output value ng mga ito.
Sa naturang transisyon, ang mga pribadong kompanyang Tsino ay gumaganap at gaganap ng napakahalagang papel.
Ayon sa estadistika, 65% ng mga patente, mahigit 70% ng mga inobasyong panteknolohiya at higit 80% ng mga bagong produkto ng Tsina ang naisakatuparan ng mga pribadong kompanya.
Isang kamay na robot sa demonstrasyon ng pagsusulat sa booth ng Tsina sa SMC sa Ikaapat na World Robot Conference sa Etrong International Conference and Exhibition Center sa Beijing, Agosto 15, 2018. [Photo: China Plus]
Sa top 500 pribadong kompanya ng Tsina, 2:1 ay ang proporsyon ng mga kompanya ng industriya ng paggawa at sektor ng serbisyo. Ipinakikita nito ang mahalagang papel ng mga pribadong kompanya sa industriya ng paggawa. Ipinakikita rin nito ang malaking potensyal ng nasabing mga kompanya sa sektor ng serbisyo na gaya ng retail sales sa ilalim ng "Internet Plus" initiative, "smart industry," at "Silver Economy" na nag-aaruga sa mga matanda.
Bilang suporta sa mga pribadong kompanya, inilunsad ng pamahalaang Tsino ang serye ng mga patakaran at hakbanging piskal at pinansyal. Kabilang dito, upang suportahan ang mga pribadong kompanya sa pangongolekta ng pondo sa pamamamagitan ng bond, idinagdag ng Bangko Sentral ng bansa ang 150 bilyong yuan sa refinancing at rediscounting bilang bahagi ng kapital. Kasabay nito, 11 kompanya ng securities ang magkakasamang nagtakda ng plano ng pangangasiwa sa ari-arian na nagkakahalaga ng 100 bilyong yuan. Ito ay bilang suporta sa de-kalidad na pag-unlad ng mga pribadong kompanya.
Makikita sa mga pribadong kompanya ang diwa ng pagpupursige ng mga Tsino. Sa pagpapasulong ng de-kalidad na pag-unlad ng kabuhayan, inaasahang patuloy nilang ilalapat ang kanilang diwa ng inobasyon, kahusayan ng pagkakagawa, at entrepreneurship, upang makalikha ng mas maraming himala sa paggagalugad ng mga "blue ocean" ng mga bagong sibol na industriya.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |