Pinasinayaan nitong Biyernes, Nobyembre 2 sa Vientiane, kabisera ng Laos ang proyekto ng pagpapalabas ng mga pelikulang Tsino sa ilalim ng Lancang Mekong Cooperation (LMC). Sa pasinaya, ang pelikulang Tsino na Never Say Die ay inilabas.
Ang proyektong ito ay nasa magkakasamang pagtataguyod ng China Radio International, China Film Group Corporation, at Ministri ng Pamamahayag, Kultura at Turismo ng Laos. Lumahok sa pasinaya ang aabot sa 800 panauhin mula sa mga sektor ng kultura ng Laos, at mga kinatawan mula sa Pasuguan ng Tsina at iba pa.
Bukod sa Vientiane, gaganapin din ang proyekto sa iba pang mga lugar ng Laos na gaya ng Xiangkhouang, Xaignabouli, Huaphan, Savannakhét, Champasak, Attapu, at lalawigang Vientiane.
Sabay na inilalabas din ang mga pelikulang Tsino sa Thailand, Myanmar at Cambodia. Layon nitong pasulungin ang pag-uunawaan at pagkakaibigan sa pagitan ng mga mamamayan sa kahabaan ng Ilog na Lancang-Mekong. Ang Lancang Mekong Cooperation (LMC) na itinatag noong 2016 ay binubuo ng mga bansa sa kahabaan ng Ilog Lancang-Mekong na kinabibilangan ng Cambodia, China, Laos, Myanmar, Thailand at Vietnam. Ang Lancang ay tawag ng mga Tsino sa Ilog Mekong sa bahagi sa Tsina.
Salin: Jade