Phnom Penh, kabisera ng Kambodya—Kasiya-siyang natapos Sabado, Hulyo 14, 2018 ang 5-araw na Linggo ng mga Pelikulang Tsino. Sa panahon ng nasabing aktibidad, mahigit 2,000 residente sa Phnom Penh ang nanood sa mga itinanghal na pelikulang Tsino.
Ang aktibidad na ito ay nasa magkasamang pagtataguyod ng Embahada ng Tsina sa Kambodya at Ministri ng Kultura at Sining ng Kambodya. Ang Cambodia China Friendship Radio (CCFR) ng China Media Group at China Film Group Corporation ang mga namamahala sa mga konkretong gawain ng aktibidad na ito. Ito'y isa sa mga mahalagang aktibidad bilang pagdiriwang sa ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Kambodya sa kasalukuyang taon. Layon nitong ibayo pang pasulungin at palalimin ang pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang bansa sa mga aspektong gaya ng kultura, sining at pelikula.
Salin: Vera