Nanawagan si Shen Haixiong, Puno ng China Media Group (CMG) sa mga media na pakinggan at ikalat ang mga paninindigan ng mga bagong-sibol at umuunlad na bansa.
Sa kanyang talumpati sa Hongqiao International Business Media and Think Tank Forum, isa sa pangunahing aktibidad ng kauna-unahang China Internatinal Import Expo (CIIE) na binuksan nitong Lunes sa Shanghai, inilahad ni Shen na sa CIIE, hindi lamang ang mga produkto at serbisyo ang ipinagpapalitan, pagkakataon din ito para sa pagpapalitan ng iba't ibang kultura at sibilisasyon. Ang media naman ay kailangang maglatag ng plataporma para sa pag-uusap at interaksyon ng nasabing mga kultura at sibilisasyon, dagdag pa niya.
Ipinagdiinan din ni Shen na bilang tugon sa mga hamong tulad ng proteksyonismo at mga panig na kontra sa globalisasyon, kailangang isulong ng mga media ang multilateralismo at pagiging inklusibo para hubugin ang pandaigdig na kultura, kung saan hahanapin ang mapagkakasunduan samantalang isaisang-tabi at igagalang ang pagkakaiba. Makakatulong aniya ito sa pagpapalago ng kabuhayang pandaigdig.
Salin: Jade
Pulido: Mac