Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pilipinas, kalahok sa pinakamalaking ekspo ng Tsina

(GMT+08:00) 2018-11-05 12:05:26       CRI

Shanghai--Binuksan ngayong araw, Nobyembre 5, 2018, ang China International Import Expo (CIIE), pinakamalaking ekspo ng Tsina.

Sa kanyang pambungad na talumpati, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na sa ilalim ng lumalawak na globalisasyong pandaigdig, kailangang pairalin ng iba't ibang kalahok na bansa sa CIIE ang pagbubukas, konektibidad, multilateralismo, inobasyon at pagiging inklusibo para maisakatuparan ang komong kasaganaan.

Samantala, bilang pangunahing ahensya ng export at investment promotion ng Pilipinas, inorganisa ng Department of Trade and Industry (DTI) ang partisipasyon ng bansa para rito.

Tatlumpu't anim (36) na Pilipinong kompanya ang kasalukuyang nag-e-eksibit sa naturang ekspo; at 28 sa mga ito ang nagpo-promote ng mga produktong pagkain na gaya ng tsitsirya, alkoholikong inumin, niyog, manga, nut, tsokolate, kape, at iba pa.

Lahat ito ay makikita sa bulwagan ng Food and Agricultural Product, sa Hall 7.2 at 8.2. ng National Exhibition and Convention Center (NECC) ng Shanghai, Tsina.

 National Exhibition and Convention Center (Shanghai), pangunahing lugar na pinagdarausan ng CIIE

Ayon kay Kalihim Ramon M. Lopez ng DTI, ang Tsina ay priyoridad na pamilihan ng Pilipinas, at nais niyang i-promote sa Tsina ang mga produkto at serbisyo ng bansa.

Bukod dito, nais din aniya ng Pilipinas na maka-engganyo ng mas maraming kompanyang Tsino na maglagak ng negosyo sa bansa.

Sa ngayon, ang Tsina aniya ang pinakamalaking tagapag-angkat ng mga produkto ng Pilipinas.

Ayon sa pinakahuling datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), $940 milyong dolyar o mahigit 15% ng kabuuang pagluluwas ng Pilipinas noong nakaraang Agosto ay napunta sa Tsina.

Ang halagang ito ay lumaki ng 34.4% kumpara sa gayunding panahon noong nakaraang taon.

Ayon naman kay Undersecretary Nora K. Terrado, ang mga sentro ng trade and investment ng Pilipinas sa Beijing, Guangzhou at Shanghai ay nag-organisa ng mga business meeting para sa mga mamimiling Tsino at eksibitor na Pilipino sa panahon ng pagdaraos ng CIIE.

Samantala, bubuksan sa November 6, 2018 ang Philippine National Pavillon na matatagpuan sa Hall 5.2 ng NECC, at sa ilalim ng temang "Partner Philippines: Building Value Togeteher," itatanghal dito ang ibat-ibang tradisyonal na sayaw; video presentation, na nagpapakita ng mga pag-unlad na natamo ng Relasyong Sino-Pilipino mula noong ika-16 na siglo, at marami pang iba.

Mahigit 170 bansa, rehiyon at organisasyong pandaigdig, at mahigit 3,600 enterprise na kinabibilangan ng Fortune 200 at 500 na kompanya ang kalahok sa CIIE.

Ito ay tatagal mula November 5 hanggang 10, 2018, at idaraos dito ang ibat-ibang aktibidad gaya ng business matching at trade and investment forum.

Ulat: Rhio/Lele
Web-edit: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>