Sapul nang buksan ang Unang China International Import Expo (CIIE), hinangaan ng mga personahe ng iba't ibang bansa ang hakbang ng Tsina sa ibayo pang pagpapalawak ng pagbubukas, at aktibong pagpapasulong sa malayang kalakalan ng daigdig.
Sa panahon ng kanyang pagdalo sa CIIE, ipinahayag ni Mohd Shahreen Modros, Chief Executive Officer (CEO) ng Kawanihan ng Pag-unlad ng Kalakalang Panlabas ng Malaysia, na pinahahalagahan ng kanyang bansa ang pamilihang Tsino, at nakikinabang sa pakikipagkalakalan sa Tsina ang Malaysia. Aniya, ang pagtataguyod ng Tsina ng CIIE ay nagkaloob ng pagkakataon para sa paglago ng bilateral na kalakalan ng dalawang bansa. Binigyan din niya ng lubos na pagpapahalaga ang patakaran ng Tsina sa ibayo pang pagpapalawak ng pagbubukas.
Sinabi naman ni Sultan bin Rashid al Khater, Pangalawang Ministro ng Kalakalan at Industriya ng Qatar, na ang pagtataguyod ng CIIE ay hudyat ng Tsina sa daigdig, na ito ay hindi lamang nagsisikap para maisakatuparan ang sariling pag-unlad, kundi aktibo rin itong tumutulong sa mga cooperative partner na isakatuparan ang kasiglahan ng kabuhayan.
Salin: Vera