Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Hongqiao International Economic and Trade Forum, idinaos; pagpapasigla ng pandaigdig na kalakalan, pinahahalagahan

(GMT+08:00) 2018-11-06 17:07:17       CRI

Bilang isa sa mga pangunahing aktibidad ng idinaraos na kauna-unahang China Internatinal Import Expo (CIIE), ginanap nitong Lunes, Nobyembre 5, ang Hongqiao International Economic and Trade Forum.

Sa ilalim ng temang "Ibuhos ang Bagong Kasiglahan sa Pandaigdig na Kalakalan, at Magkakasamang Makalikha ng Bagong Kaayusan ng Pagbubukas at Komong Kasaganaan," tatlong sub-forum ang idinaos na nagtatampok sa kalakalan at pagbubukas, kalakalan at inobasyon, at kalakalan at pamumuhunan.

Kalahok sa porum ang mga kinatawan mula sa iba't ibang pamahalaan, negosyo, akademiya at organisasyong pandaigdig, na gaya nina Angel Gurria, Pangkalahatang Kalihim ng Organization for Economic Co-operation and Development (OECD); Mukhisa Kituyi, Panagkalahatang Kalihim ng United Nations Conference on Trade and Development; Jack Ma, co-founder at executive chairman ng Alibaba; Jean-Paul Agon, Chief Executive ng L'Oreal Group; Bill Gates, Co-founder of Microsoft Corp, at iba pa.

Bill Gates, Co-founder of Microsoft Corp

Sinabi ni Gurria, na ang inobasyon ay hindi lamang nagpapasulong ng paglago ng kalakalan, nagpapataas din ito ng kalidad ng pamumuhay ng mga tao.

Angel Gurria, Pangkalahatang Kalihim ng Organization for Economic Co-operation and Development (OECD)

Ipinalalagay ni Kituyi na napapatunayan ng kasaysayan ng sangkatauhan, ang kalakalan at pagbubukas ay napakahalaga para makahulagpos sa kahirapan ang mga tao, at ang Tsina ay magandang huwaran sa aspektong ito.

Naniniwala naman si Jean-Paul Agon na ang idinaraos na CIIE ay nagdudulot ng bagong pagkakataon para sa mga bahay-kalakal at kalakalan ng daigdig.

Ayon sa pananaw ni Jack Ma, ang teknolohiya ay magpapasulong ng pagiging mas inklusibo ng kalakalan. Sa hinaharap, 80% ng mga kalakalan ng daigdig ay cross-border, saad ni Ma.

Jack Ma, co-founder at executive chairman ng Alibaba

Salin: Jade
Pulido: Mac

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>