Bangkok, Thailand—Binuksan Huwebes, Nobyembre 8, 2018 ang Ika-24 Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Transport Ministers Meeting. Nanawagan sa pulong si Prayut Chan-Ocha, Punong Ministro ng Thailand, na dapat palakasin ng iba't ibang kasaping bansa ng ASEAN ang kooperasyon, at paunlarin ang tuluy-tuloy na regional transportation network, para mapasulong ang paglago ng kabuhayan.
Hinimok din niya ang mga bansang ASEAN na bawasan ang sagabal sa turismo at kalakalan, dahil makakabuti ito sa pagtatatag ng mapagkaibigang kapaligirang panrehiyon.
Sa panahon ng nasabing 2-araw na pulong, tatalakayin ng mga kalahok, pangunahin na, ang mga paksang gaya ng imprastruktura ng transportasyon sa rehiyon ng ASEAN at kaukulang batas at regulasyon, at konektibidad sa mga aspektong kinabibilangan ng serbisyo ng transportasyon. Layon nitong mas mainam na pasulungin ang kasaganaan ng kabuhayan ng rehiyon.
Salin: Vera