Ipinahayag kamakailan ni Arkhom Termpittayapaisit, Ministro ng Transportasyon ng Thailand, na sa taong 2017, pasusulungin ng pamahalaang Thai ang 36 naproyekto ng transportasyon gaya ng daambakal, urban rail transit at pambansang lansangan.
Ang kabuuang halaga ng pamumuhunan sa nasabing mga proyekto ay abot sa halos 896 bilyong Thai Baht o halos 25.6 na bilyong Dolyares.
Ayon sa datos ng nasabing departamento, halos 45.62% ng kabuuang pondo ay gagamitin sa mga proyekto ng daambakal, halos 24.69% ang gagamitin sa mga proyekto ng urban rail transit at halos 18.67% ay mapupunta sa mga proyekto ng pambansang lansangan.