Ipinahayag nitong Biyernes, Nobyembre 9, ni Ma Zhaoxu, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa United Nations (UN) na higit na kinakailangan ngayon ng daigdig ang multilateralismo at ang malakas na UN.
Sa bukas na debatehan ng UN na may temang "Pangangalaga sa Pandaigdig na Kapayapaan at Seguridad: Pagpapalakas ng Multilateralismo at Papel ng UN" nitong Biyernes, Nobyembre 9, sinabi ni Ma na ang UN ay bandila ng multilateralismo. Umaasa aniya ang Tsina na patuloy na gaganap ang UN ng namumunong papel sa pangangalaga sa pandaigdig na kapayapaan at pagpapasulong ng komong kaunlaran, lalo na sa pagpapalalim ng pandaigdig na pagtutulungan at pagtugon sa mga pandaigdig na hamon.
Ipinahayag din ng sugong Tsino ang patuloy na pagkatig ng bansa sa misyong pamayapa ng UN Security Council at pagsasakatuparan ng UN 2030 Agenda for Sustainable Development.
Salin: Jade
Pulido: Mac