Ipinahayag Agosto 31, 2018, ni Jean-Yves Le Drian, Ministrong Panlabas ng Pransya na umaasang muling itatatag, kasama ng Tsina, ang multilateralismo ng daigdig.
Nang araw ring iyon, sa isang simposyum na pinamagatang "Tsina at Asya" na idinaraos sa Poitier, Pransya, tinukoy ni Le Drian, Ministrong Panlabas ng Pransya na sa ilalim ng kasalukuyang kapaligirang kulang sa katatagan at marami ang mga hamon sa daigdig, kinakaharap ng multilateralismo ang krisis, dahil sinisira ang mga tuntuning pandaigdig ng mga gumagawa ng Amerika. Aniya, dapat muling itatag ang mutilateralismo, at ito ay hindi lamang may kinalaman sa kalakalan, kundi sa kapayapaan at seguridad.
salin:Lele