Idinaos nitong Biyernes, Oktubre 19, sa Brussels, Belgium ang Ika-12 Asia-Europe Meeting Summit (ASEM) na may temang "Europe and Asia: Global Partners for Global Challenges." Lumahok dito ang mga lider ng 53 miyembro ng ASEM at mga organisasyong pandaigdig.
Sa kanyang talumpati sa nasabing summit, hiniling ni Premyer Li Keqiang ng Tsina sa mga bansang Asyano at Europeo na magkakasamang pangalagaan ang positibong tunguhin ng pag-ahon ng pandaigdig na kabuhayan, multilateralismo, bukas na kabuhayan, konektibidad at pagpapalitan ng mga tao.
Suportado ang mungkahi ng premyer Tsino ng mga kalahok na lider. Nagkasundo silang bilang pangunahing puwersa ng pagpapasulong ng kasaganaan ng kabuhayan at kalakalang pandaigdig, ibayo pang magbubuklod ang mga bansang Asyano at Europeo para magkakasamang protektahan ang multilateralismo at sistema ng malayang kalakalan. Nakahanda rin silang magkakasamang pawiin ang kahirapan, ibayoang magbukas, tugunan ang pagbabago ng klima, at labanan ang terorismo. Ipinahayag din nila ang pagtanggap sa Belt and Road Initiative (BRI) at Eurasian Connectivity Strategy sa pagpapasulong ng pag-unlad ng rehiyon.
Salin: Jade
Pulido: Mac