Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Komentaryo: Anong uri ng digital world ang nais nating tirahan?

(GMT+08:00) 2018-11-10 18:33:36       CRI

Ipininid na ang World Internet Conference sa lunsod Wuzhen na kilala bilang Venice ng Tsina. Ang temang "Paglikha ng Mundong Digital para sa Mutuwal na Pagtitiwalaan at Magkakasamang Pamamahala – Tungo sa Isang Komunidad na may Pinagbabahaginang Kinabukasan sa Cyberspace," ay nagbigay pansin sa mahalagang usapin na kinakaharap ng digital era na kinabibilangan ng mga tao ngayon.

Isang linggo bago idaos ang pulong, sa malayong lunsod ng Manhattan, New York, isang tindahan ng periodiko ang nakita at nakakuha ng pansin ng mga dumadaan. Ang harapan ng mga magasin at dyaryo ay katulad ng mga kilalang mga babasahin, ngunit ang mga titulo ay iba at ang ulo ng mga balita ay naglalaman ng mga nakakagulat na headlines na kumakalat sa social media. Ang "Fake News Stand" ay itinayo ng Columbia Journalism Review upang ituon ang pansin sa mga panganib ng maling impormasyon na nakukuha ng mga tao online.

Nitong katapusan ng Hunyo, mayroon ng apat na bilyong tao, 55% ng populasyon ng mundo, ang maaaring gumamit ng internet. Ang pagkakaroon ng pagkakataon na makagamit ng Internet ay nagbago kung paano mag-usap ang mga tao, paano mag-isip at paano nahuhubog ang mga pinahahalagahan ng mga tao. Kung ang mga nilalaman na nababasa ng mga tao online ay walang dudang nakuha sa legal na paraan at may paggalang sa pribadong buhay, walang anumang problema ito. Ngunit ang katotohanan ay, ang pinakamabilis na kumakalat na balita sa Internet ay kadalasang mali, nakakagulantang at kumikitil sa anumang pag-asa.

Ang imbentor ng World Wide Web, ang Britanikong computer scientist na si Tim Berners-Lee, ay may malalim na pang-unawa sa nasabing kaganapan. Noong 1989, nilikha niya ang Mesh, na tinawag niya kalaunan bilang World Wide Web. Habang naghahanda ang buong mundo sa pagdaraos ng Ika 30 Anibersaryo ng Internet, ipinahayag ng imbentor ang kawalan ng kasiyahan sa pang-aabuso ng privacy at pagpapakalat ng muhi. "Kung lalagyan ng pagmamahal ang Twitter, tila nabubulok ito, ngunit kung lalagyan ng pagkamuhi mararamdamang nabubuhay ito at mabilis na kumakalat," saad ni Berners-Lee. Sa kanyang pananaw, wala ng sariling kapangyarihan ang mga tao at sa isang banda nawala na rin ang positibong mga pananaw.

si Tim Berners-Lee

Ang pananaw ni Berners-Lee sa Twitter ay pinatunayan ng isang pag-aaral na isinagawa ng Massachusetts Institute of Technology, na nagsabing ang maling balita o false news ay mas ibinabahagi ng 70% kaysa mga lehitimong balita. Pagdating sa pagkalat sa Twitter ng samu't saring mga nilalaman, 20 beses itong mas mabilis kumpara sa mga datos o facts. Ang mga totoong istorya naman ay 6 na beses na mas mabagal na makakaabot sa 1,500 katao kaysa mga walang katotohanang mga istorya.

Bukod sa mga nilalaman, ang isa pang isyu ay kung paano kumikita ang mga kumpanya ng Internet, lalo na ang mga malalaking mga kumpanyan na ang kita ay nakasalalay sa pagkalap at pagbebenta ng napakadaming personal na impormasyon. Ayon kay Taylor Owen, Asistenteng Propesor ng Digital Media and Global Affairs sa University British Columbia na ang self-regulation sa mga big players na ito ay hindi uubra.

Hindi uubra ang self-regulation gaya nang hindi nito pagiging epektibo sa mga kumpanya ng pananalapi ng Amerika na nauwi sa pagbagsak ng pandaigdigang sistema ng pananalapi noong 2008.

Dahil sa katotohanang ito, ang komunidad ng daigdig ay dapat sama-samang lumikha ng komong mga konsepto sa Internet governance na bukas sa pagsusuri, pantay at maayos. Tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na "ang maayos na paggamit at pagpapaunlad ng Internet ay nangangailangan ng mahigpit na pagtutulungan at magkakatuwang na hakbang upang itatag ang komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan sa cyberspace. "

Ayon sa yumaong Greek computer scientist na si Michael Dertouzos, "Gumawa tayo ng napakalaking pagkakamali 300 taong nakaraan nang ating paghiwalayin ang teknolohiya at humanismo. Panahon nang pag-isahin ang mga ito." Napapanahon nang magkakasamang likhain ang mga patakaran para sa ating pinagbabahaginang digital world batay sa mutuwal na paggalang, pagkakapantay-pantay at pagpaparaya.

Salin:Mac
Web-edit: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>