|
||||||||
|
||
Sa kauna-unahang pagkakataon, ipinalabas Lunes, Disyembre 4, 2017, ng Ika-4 na World Internet Conference (WIC) ang "Ulat ng Pag-unlad ng Internet sa Daigdig sa 2017" at "Ulat ng Pag-unlad ng Internet sa Tsina sa 2017" kung saan komprehensibong ipinakikita ang tunguhin ng pag-unlad ng internet sa daigdig at natamong bunga ng pag-unlad ng internet sa Tsina.
Sa World Internet Development Index System na iniharap ng "Ulat ng Pag-unlad ng Internet sa Daigdig sa 2017," pinili nito ang 38 bansa na mga pangunahing ekonomiya sa limang kontinenteng may mabuting pag-unald ng internet. Maaaring ipakita ng mga ito ang pinakahuling kalagayan ng pag-unlad ng internet sa iba't-ibang kontinente at mga pangunahing bansa sa daigdig.
Isinagawa naman ng "Ulat ng Pag-unlad ng Internet sa Tsina sa 2017" ang komprehensibong pagbalik-tanaw sa kalagayan ng pag-unlad ng internet sa Tsina nitong limang (5) taong nakalipas. Sistematiko rin nitong isinalaysay ang karanasan ng Tsina sa pangangasiwa sa internet.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |