Ipininid nitong Biyernes, Nobyembre 9, sa Wuzhen, lalawigang Zhejiang sa dakong silangan ng Tsina ang tatlong araw na ika-5 World Internet Conference, na may temang "Creating a Digital World for Mutual Trust and Collective Governance -- Towards a Community with a Shared Future in Cyberspace."
Inilabas ng komperensya ang Ulat hinggil sa Internet ng Daigdig para sa 2018, Ulat hinggil sa Internet ng Tsina para sa 2018, at Wuzhen Vision 2018. Mababasa sa nasabing mga ulat ang pinakahuling progreso at pananaw sa hinaharap kaugnay ng pag-unlad ng Internet.
Itinanghal din sa katatapos na pulong ang mga bagong produkto at aplikasyon ng mahigit 430 institutong kalahok. Mahigit 1,500 kinatawan mula sa 76 na bansa't rehiyon na kinabibilangan ng Pilipinas ang dumalo sa komperensya.
Salin: Jade
Pulido: Mac