Beijing, Tsina—Sa kanyang pakikipagtagpo Martes, Nobyembre 6, 2018 kay Christine Lagarde, Presidente ng International Monetary Fund (IMF), ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na sa ilalim ng kasalukuyang background na dumami ang walang katiyakang elemento sa kabuhayang pandaigdig, at umusbong ang proteksyonismo, nakahanda ang panig Tsino na pahigpitin ang pakikipagkoordina sa mga pangunahing pandaigdigang organong pangkabuhayan na gaya ng IMF, pasulungin ang pandaigdigang kooperasyong pangkabuhayan at pag-unlad ng malayang kalakalan, at patatagin ang proseso ng pagbangon ng kabuhayang pandaigdig at pamilihang pinansyal.
Sinabi naman ni Lagarde na ikinasisigla ng IMF ang reporma at pagbubukas na pinapasulong ng Tsina, lalong lalo na, ang target, timetable at larangan ng pagbubukas ng pamilihang pinansyal. Nakahanda aniyang palakasin ang koordinasyon sa Tsina, at magkasamang pangalagaan ang katatagan ng pinansyang pandaigdig at sustenableng pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig.
Salin: Vera