Kaugnay ng tanong ng mamamahayag tungkol sa pananalita ni Pangalawang Pangulong Mike Pence ng Amerika sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) CEO Summit na nagsasabing idinudulot ng tulong ng Tsina sa mga Pacific island countries ang kanilang pasanin ng utang, sinabi Linggo, Nobyembre 18, 2018 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina na sa kagaganap na APEC Summit sa Papua New Guinea, bumigkas si Pangulong Xi Jinping ng isang serye ng mahalagang talumpati. Aniya, binanggit ni Xi ang kanyang palagay sa kasalukuyang pandaigdigang kalagayang pangkabuhayan, at iniharap niya ang isang serye ng paninindigang gaya ng pagpapalakas ng pandaigdigang kooperasyon, pagpapabuti ng pagsasaayos sa buong mundo, at magkakasamang pagharap sa mga hamon. Ang nukleong nilalaman nito ay dapat igiit ang pagbubukas, kaunlaran, inklusibilidad, inobasyon, at regulasyon, hindi lamang sa pandaigdigang kooperasyon, kundi maging sa kooperasyong panrehiyon, aniya. Ang paninindigang ito ay tumutugma sa pangkalahatang tunguhin ng pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig, umaangkop sa unibersal na mithiin ng komunidad ng daigdig, at nakakuha ng mataas na papuri ng mga kalahok, dagdag ni Hua.
Sinabi ni Hua na nasa masusing yugto ng pag-unlad ang APEC. Sa kalagayang ito, dapat ipakita ng iba't-ibang panig ang responsible at konstruktibong atityud para hawakan ang pangkalahatang direksyon ng pag-unlad ng rehiyong Asya-Pasipiko. Aniya, walang anumang kondisyong pulitikal ang ibinibigay na tulong ng Tsina sa mga bansa. Bunga ng tulong ng Tsina, napapataas ng mga bansa ang kanilang kakayahan at lebel ng sariling pag-unlad, at napapabuti ang lebel ng pamumuhay ng mga mamamayang lokal. Kaya, tinatanggap ng mga pamahalaan ng malawakang umuunlad na bansa at mamamayan ang kooperasyon nila ng Tsina.
Salin: Li Feng