Kaugnay ng akusasyong ginawa ni Pangalawang Pangulong Mike Pence ng Amerika laban sa Tsina nitong Huwebes, Oktubre 4, 2018, sa Hudson Institute, Washington D.C., sinulat ng isang manunulat ng Taiwan writer na si Huang Zhixian ang artikulo bilang tugon dito.
Sa artikulo, sinabi ni Huang na hindi alam ni Pence ang totoo at komprehensibong kasaysayan. Aniya, ang kasalukuyang pag-unlad ng Tsina ay nakabase sa katalinuhan, sakripisyo, at kasipagan ng mga mamamayang Tsino, sa halip na pagsalakay at pagsakop sa ibang bansa. Aniya, nakuha ng Amerika ang napakaraming benepisyo mula sa pag-unlad ng Tsina. Walang anumang utang-na-loob ang Tsina sa Amerika, at lipos ang kabutihan ng Tsina sa Amerika, dagdag pa niya.
Kung babalikan aniya ang kasaysayan, kapag nagtutulungan ang Tsina at Amerika, ito ay nakakabuti sa kapayapaan ng sangkatauhan, at natatamo ng Amerika ang mas malaking benepisyo. Samantala, kung ihahambing sa Amerika, nahuhuli pa rin ang kasalukuyang Tsina, aniya pa. Kaya, pag-iibayuhin ng Tsina ang pagpupunyagi nito upang makapaghatid ng kapakanan sa mga mamamayan at mapaunlad ang sibilisasyon nito.
Ipinagdiinan niyang alam ng lahat na hangad ng Amerika na kontrolin ang pandaigdigang hegemonya, kaya ito ay may negatibong pag-iisip sa pag-unlad ng Tsina. Ani Huang, upang pigilin ang pag-unlad ng Tsina, kasalukuyang isinasagawa ng Amerika ang komprehensibong paghadlang sa Tsina. Ito'y hindi matalinong hakbang, dagdag niya.
Salin: Li Feng