Kaugnay ng pagbatikos ng panig Amerikano hinggil sa pagsasapanganib ng Tsina sa katatagan ng Taiwan Strait, sa pamamagitan ng paghikayat sa tatlong bansa ng Latin-Amerika na "putulin ang relasyong diplomatiko" sa Taiwan, ipinahayag Lunes, Oktubre 15, 2018 ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina na binaligtad ng naturang pagbatikos ang tama at mali.
Ani Lu, iisa lang ang Tsina sa daigdig, at ang Taiwan ay di-maihihiwalay na bahagi ng teritoryo ng Tsina. Ito aniya ay unibersal na komong palagay ng komunidad ng daigdig.
Tinukoy rin ni Lu na ang mga puwersang naninindigan ng pagsasarili ng Taiwan at mga mapangwatak na aktibidad nila ay pinakamalaking banta sa kapayapaan at katatagan ng Taiwan Strait. Aniya, ang isang serye ng maling kilos kamakailan ng panig Amerikano sa isyu ng Taiwan ay malubhang lumabag sa simulaing isang Tsina at tadhana ng tatlong magkasanib na komunike ng Tsina at Amerika, at nakapinsala rin sa relasyong Sino-Amerikano at kapayapaan at katatagan ng Taiwan Strait.
Salin: Vera