Seoul, South Korea — Idinaos Martes, Nobyembre 20, 2018, ang "Bo'ao Forum for Asia Seoul Conference 2018." Sa kanyang pagdalo sa seremonya ng pagbubukas, ipinagdiinan ni Wang Yong, Kasangguni ng Estado ng Tsina, na dapat igiit ng mga bansang Asyano ang pagbubukas at inobasyon para magkakasamang mapasulong ang kaunlaran.
Sinabi ni Wang na ang globalisasyong pangkabuhayan ay di-maitatangging pangkalahatang tunguhin ng kasaysayan, at ang pagbubukas at inobasyon naman ay di-mahahalinhang tunguhin ng siglo. Aniya, sa harap ng malalimang pagbabago ng pandaigdigang kayariang pangkabuhayan, dapat ipakita ng mga bansang Asyano ang mas malaking katapangan at isagawa ang aktuwal na aksyon upang magkakasamang mapasulong ang pag-unlad ng Asya at buong daigdig.
Ipinagdiinan din niya na dapat pasulungin ng Asya ang konektibidad at pangalagaan ang multilateralismo. Dapat din aniyang igiit ng mga bansang Asyano ang pagbubukas at magkakasamang pangalagaan ang multilateral na sistemang pangkalakalan na nakabase sa regulasyon.
Salin: Li Feng