Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga dayuhang lider, lubos na papuri sa talumpati ni Pangulong Xi

(GMT+08:00) 2018-04-11 16:05:09       CRI

Idinaos Martes, ika-10 ng Abril 2018, ang 2018 Taunang Pulong ng Boao Forum for Asia (BFA) sa lalawigang Hainan sa timog Tsina. Bumigkas dito ng talumpati si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, at pagtatapos nito, magkakasunod na pinapurihan ng mga kalahok na lider ng iba't ibang bansa at organisasyong pandaigdig ang nasabing talumpati. Narito ang mga sinabi ng ilan sa kanila:

Antonio Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations: Ang "Belt and Road" initiative ay makakatulong sa pagsasakatuparan ng isang mas makatarungan, mapayapa at masaganang daigdig.

Alexander Van der Bellen, Pangulo ng Austria: Sa pagpapa-unlad ng berdeng kabuhayan, maisasakatuparan ang sustenableng pag-unlad. Pinahahalagahan ng Tsina ang pangangalaga ng kapaligiran. Ito ay hindi lamang makakabuti sa kasalukuyang panahon, kundi sa hinaharap.

Shahid Khaqan Abbasi, Punong Ministro ng Pakistan: Ang "Belt and Road" initiative ay magdudulot ng win-win situation na may mutuwal na kapakinabangan at komong kasaganaan. Ito ay tiyak na makakapaghatid ng benepisyo sa mga susunod na henerasyon.

Lee Hsien Loong, Punong Ministro ng Singapore: Ipinatalastas muli ni Pangulong Xi Jinping ang mga hakbanging isasagawa ng Tsina sa pagpapaginhawa ng pagpasok sa pamilihang pinansiyal, proteksyon ng karapatan sa pagmamay-ari sa mga likhang-isip, pagpapalaki ng pag-aangkat, at iba pa. Ito ay nagpapakitang Tsina ay patuloy na kakatig sa pagbubukas sa labas.

Christine Lagarde, Managing Director ng International Monetary Fund(IMF): Ang pagpapalawak ng Tsina ng pagbubukas sa mga larangan ng seguro, sasakyang de motor, at pinansyo, proteksyon sa karapatan sa pagmamay-ari sa mga likhang-isip, at pagkakaloob ng mas pantay-pantay na kapaligirang komersyal. Ang mga ito ay makakapaghatid ng benepisyo sa iba't ibang panig.

Stephen P. Groff, Vice-President ng Asian Development Bank (ADB): Ang paghahayag ni Pangulong Xi Jinping hinggil sa pagpapalawak ng Tsina ng pagbubukas ay angkop sa kasalukuyang tunguhin ng globalisasyon, at nakakapagpasigla sa iba pang bansa ng daigdig.

Romano Prodi, dating Tagapangulo ng Lupon ng Unyong Europeo at halal na miyembro ng Board of Directors ng Boao Forum for Asia (BFA): Ang impormasyong ipinalabas ng talumpati ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina hinggil sa pagpapalawak at pagpapalalim ng pagbubukas ay hindi lamang makakabuti sa Tsina, kundi sa Europa.

Bounchao Phichit, Presidente ng Lao National Television: Malaki ang bunga ng pagsasagawa ng Tsina ng patakaran ng reporma at pagbubukas nitong 40 taong nakalipas. Sa kasalukuyan, ang Tsina ay ika-2 pinakamalaking ekonomiya ng daigdig, at hindi lamang ito umuunlad, kundi nakakapaghatid din ng benepisyo sa rehiyon at daigdig.

Elizabeth Gaines, CEO ng FMG Group ng Australia: Ang patuloy na pagpapasulong ng Tsina sa reporma, paghikayat ng pagmumuhunan, pagbubukas ng pamilihang pinansyal at seguro, at pagpapalaki ng pag-aangkat ay mga positibong signal.

Salin: Lele

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>