Nakipagtagpo ngayong araw, Miyerkules, ika-11 ng Abril 2018, sa Boao, lalawigang Hainan sa timog Tsina, si Pangulong Xi Jinping sa mga kinatawan ng mga mangangalakal na Tsino at dayuhan, na kalahok sa 2018 Taunang Pulong ng Boao Forum for Asia.
Muling ipinahayag ni Xi, na walang humpay na pasusulungin ng Tsina ang reporma, at ibayo pang palalawakin ang pagbubukas sa labas. Di-magbabago aniyang itataguyod ng Tsina ang bukas na kabuhayang pandaigdig, magbibigay ng ambag sa pag-unlad ng Asya at daigdig, at ibabahagi sa daigdig ang bunga ng reporma, pagbubukas, at pag-unlad ng Tsina.
Sinabi niyang, lilikha ang Tsina ng mas maluwag at maayos na kapaligiran para sa pamumuhunan at pagnenegosyo ng mga kompanya mula sa loob at labas ng bansa. Umaasa aniya siyang matatamo ng mga kompanya ang mas malaking pag-unlad sa Tsina.
Tinukoy din ni Xi, na ang pagharap ng Tsina ng Belt and Road Initiative, ay para ibayo pang makinabang ang daigdig sa reporma at pag-unlad ng bansa, at isakatuparan ang win-win result at komong kaunlaran. Pinasusulong ng Tsina ang pagtatakda ng blueprint ng East Asia Economic Community, at pagtatatag ng Asia-Pacific Free Trade Area, dagdag pa ni Xi.
Salin: Liu Kai