Miyerkules, Nobyembre 21, 2018, itinaguyod ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina ang preskon kung saan magpalitan ng kuru-kuro ang apat na mangangalakal ng pribadong sektor hinggil sa reporma't pagbubukas at pag-unlad ng pribadong sektor.
Ipinahayag ng mga mangangalakal na nitong nakalipas na 40 taon sapul nang isagawa ang reporma't pagbubukas, malaki ang ibinigay na ambag ng pribadong sektor para sa paglikha ng yaman ng lipunan, pagkakaloob ng hanap-buhay at iba pa. Anila, kasabay ng pagharap ng Belt and Road Initiative, nahaharap sa bagong pagkakataon ang pag-unlad ng pribadong sektor sa ibayong dagat.
Salin: Vera