Miyerkules, Nobyembre 21, 2018, nagpulong ang organo ng pagresolba sa alitan ng World Trade Organization (WTO) kung saan sinang-ayunan ang kahilingan ng Tsina, Unyong Europeo, Canada, Mexico, Norway, Rusya at Turkey hinggil sa pagbuo ng grupo ng mga dalubhasa para suriin kung lalabag o hindi sa regulasyon ng WTO ang hakbangin ng Amerika sa pagpapataw ng taripa sa asero at aluminyo.
Sa nasabing pulong, isinumite naman, sa kauna-unahang pagkakataon, ng India at Switzerland ang katulad na kahilingan sa WTO.
Salin: Vera