|
||||||||
|
||
Bangkok — Ginanap Biyernes, Nobyembre 23, 2018, ang Ika-26 na Pulong ng China-Thailand Joint Committee on Railway Cooperation na magkasamang pinanguluhan nina Ning Jizhe, Pangalawang Direktor ng Pambansang Komisyon ng Pag-unlad at Reporma ng Tsina, at Arkhom Termpittayapaisith, Ministro ng Komunikasyon ng Thailand.
Dumalo sa nasabing pulong ang mga namamahalang tauhan at kinatawan mula sa mga kinauukulang departamento at bahay-kalakal ng dalawang bansa.
Sa pulong, nagkaroon ang dalawang panig ng malalim na pagsasanggunian tungkol sa pagpapabilis ng kooperasyong Sino-Thai sa daam-bakal, at narating nila ang maraming komong palagay.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |