Pormal na ipinatalastas kamakailan ng pamahalaan ng Argentina ang eksaktong petsa ng Ika-13 Summit ng G20. Hinggil dito, ipinahayag ni Pedro Villagra, Tagapagkoordina ng Argentina sa G20, na umaasa ang kanyang bansa, na magkasamang kakaharapin ng daigdig ang mga hamon sa pamamagitan ng matapat na pagpapalitan at pagdating ng pagkakaisa.
Idaraos ang G20 Summit mula ika-30 ng Nobyembre hanggang unang araw ng Disyembre 2018 sa Buenos Aires, Argentina. Ang tema ng summit ay "Pagkakaroon ng Komong Palagay para sa Pagkakapantay at Sustenableng Pag-unlad." Ipinahayag ni Villagra, na bilang kasalukuyang tagapangulo ng G20, kumakatig ang Argentina sa mutilateralismo, at nagsisikap ito para alisin ang pagkakaiba sa pamamagitan ng koordinasyon at pagpapalitan.
salin:Lele