Sa isang pahayag na inilabas Hulyo 7, 2017, sa Hamburg, Alemanya, ng mga lider ng G20, sinabi nito na patuloy na palalakasin ng mga G20 members ang kooperasyon sa paglaban sa terorismo. Ang mga kooperasyong ito ay kinabibilangan ng pagsasakatuparan ng mga nagawang pangako sa paglaban sa terorismo, pagpapalakas ng pagpapalitan at pagbabahaginan ng mga kaukulang impormasyon, pagbibigay-dagok sa pondong sumusuporta sa terorismo, at pagbibigay-dagok sa mga teroristikong aksyon sa pamamagitan ng internet.
Inulit din ng mga G20 leaders na sa proseso ng pagsasakatuparan ng mga hakbangin sa paglaban sa terorismo, dapat tupdin ang mga tadhana ng "UN Charter" at pandaigdigang batas.
Salin: Li Feng