|
||||||||
|
||
Mula Nobyembre 25 hanggang 28, 2018, bumibisita si Liu He, Pangalawang Premyer ng Tsina, sa Alemanya para katagupin si Chancellor Angela Merkel ng Alemanya at dumalo sa Ika-8 Hamburg Summit ng China-Europe Forum.
Ipinaabot ni Liu kay Merkel ang liham ni Pangulong Xi Jinping. Tinukoy sa liham ni Xi na ang Tsina at Alemanya ay komprehensibong estratehikong partner, at mainam ang tunguhin ng pag-unlad ng kooperasyong Sino-Aleman sa iba't-ibang larangan. Aniya, lubos na pinahahalagahan ng panig Tsino ang pagpapaunlad ng relasyon sa Alemanya. Nakahanda itong magsikap kasama ng panig Aleman para maisakatuparan ang mga narating na komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa at mapasulong ang kooperasyon sa mga larangang gaya ng pinansya, kalakalan, at pamumuhunan.
Nag pasalamat si Merkel sa liham mula kay Xi. Sinabi niya na mataas na pinahahalagahan ng kanyang bansa ang relasyon sa Tsina. Aniya, sa mula't mula pa'y winiwelkam ng Alemanya ang pamumuhunan ng mga negosyanteng Tsino sa kanyang bansa.
Sa kanyang talumpati sa Hamburg Summit, isinalaysay ni Liu ang kalagayan at prospek ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino. Inilahad din niya ang isang serye ng isinasagawang hakbangin ng Tsina para mapalawak ang pagbubukas sa labas.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |