Nitong 40 taong nakalipas sapul nang isagawa ng Tsina ang reporma at pagbubukas sa labas, natamo ng sistema ng daam-bakal ng Tsina ang napakabilis na pag-unlad. Lalong lalo na, ang pag-unlad ng high-speed railway ng Tsina, ay nakakapagbigay ng malakas na garantiyang pangtransportasyon sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan. Bukod dito,nagbago rin ang porma ng paglalakbay ng mga mamamayang Tsino. Bunga ng napakabilis na pagsulong ng high-speed railway technology, ngayo'y nasa unang hanay ang nasabing usapin ng Tsina sa buong daigdig.
Noong taong 1978, 52 libong kilometro lamang ang buong haba ng daam-bakal ng Tsina. Hanggang noong katapusan ng nagdaang taon, umabot sa 127 libong kilometro ang haba nito. Kabilang dito'y napakabilis na umunlad ang high-speed railway. Hanggang sa kasalukuyan, lumampas na sa 25 libong kilometro ang naisaoperasyong haba ng high-speed railway ng Tsina na katumbas ng 2/3 ng buong haba ng high-speed railway ng buong mundo.
Salin: Li Feng