Madrid, kabisera ng Espanya-Nag-usap Nobyembre 28, 2018 sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Punong Ministro Pedro Sanchez ng Espanya.
Ipinahayag ni Pangulong Xi na pinahahalagahan ng Tsina ang tradisyonal na pagkakaibigan sa Espanya, at positibo sa mahalagang impluwensiya ng Espanya sa mga suliraning pandaigdig. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Espanya para palawakin ang komprehensibong estratehikong partnership, at ibayong pasulungin ang pagtutulungan sa ibat-ibang larangan. Umaasa aniya siyang magiging huwaran sa daigdig ang pagtutulungan ng Tsina at Espanya, sa ilalim ng nagkakaibang sibilisasyon at sistemang panlipunan.
Ipinahayag naman ni Sanchez na suportado ng Espanya ang multilateralismo, at positibo sa paninindigan ng Tsina sa mga suliraning pandaigdig. Nakahanda aniya ang kanyang bansa na pahigpitin ang pakikipagpalitan at pakikipagkoordina sa Tsina para pasulungin ang malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Europeo.