|
||||||||
|
||
Ipinahayag nitong Huwebes, Nobyembre 29, local time ni Pangulong Donald Trump ng Estados Unidos ang kapasiyahang kanselahin ang nakatakdang pagtatagpo nila ni Pangulong Vladimir Putin sa Rusya, sa sidelines ng G20 Summit sa Buenos Aires, Argentina.
Sa kanyang tweet sa paglipad tungo sa Argentina, sinabi ni Trump na ginawa niya ang nasabing desisyon dahil sa di pa nalulutas na komprontasyon sa pagitan ng Rusya at Ukraine.
Iba ito sa pananalita ni Trump ilang oras bago siya umalis ng White House papuntang G20 Summit.
Nitong nagdaang Linggo, sinabi ng Hukbong Pandagat ng Ukraine na nagpaputok ang bapor na pandigma ng Rusya sa kanila, nadakip ang tatlong bapor, at ikinasugat ng anim na sundalo, malapit sa Kerch Strait.
Sinabi naman ng Federal Security Service (FSB) ng Rusya na ang nasabing tatlong bapor na may code name na Berdyansk, Nikopol at Yany Kapu, ay pumasok sa teritoryo ng Rusya at gumawa ng delikadong maniobra, sa kabila ng babala mula sa panig Ruso.
Si Pangulong Trump habang humaharap sa mga mamamahayag sa White House bago siya umalis patungo sa G20 Summit, noong Nobyembre 29, 2018. (Xinhua/Ting Shen)
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |