|
||||||||
|
||
Kirchner Cultural Center sa Buenos Aires, kabisera ng Argentina
Nakatakdang ilabas ngayong araw sa Argentina at Tsina ang dalawang dokumentaryo na pinamagatang Kabigha-bighaning Argentina at Kabigha-bighaning Tsina. Mapapanood sa naturang dalawang dokumentaryo ang hinggil sa kasaysayan, kasalukuyang kalagayan, tanawin, at mamamayan ng Argentina't Tsina.
Sa pasinaya sa Kirchner Cultural Center sa Buenos Aires, kabisera ng Argentina, sinabi ni Hernan Lombardi, Ministro ng Federal System of Media and Public Content, na ang nasabing dalawang dokumentaryo ay regalo para sa gaganaping G20 Summit sa kanyang bansa, at ang pasinaya naman ay pasimula ng pagtutulungan ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan sa hinaharap.
Isang larawan mula sa dokumentaryong Kabigha-bighaning Argentina
Ushuaia Harbor, Argentina
Iguazu Falls National Park, Argentin
Ipinahayag naman ni Shen Haixiong, Presidente ng China Media Group (CMG) ang pag-asang sasamantalahin ang pasinaya ng nabanggit na dalawang dokumentaryo para ibayo pang pasulungin ang pagpapalitan ng mga media at magkaloob ng mas maraming produktong pangkultura para sa mga mamamayan ng dalawang bansa.
Si Shen Haixiong, Presidente ng CMG
Sa pasinaya, lumagda sa balangkas na kasunduang pangkooperasyon ang CMG at Radio y Television Argentina S.E. (RTA).
Sina Miguel Pereira (kaliwa), Presidente ng RTA; Herman Lombardi (gitna); at Shen Haixiong sa seremonya ng paglagda sa kasunduang pangkooperasyon ng RTA at CMG
Salin: Jade
Pulido: Mac
Larawan: CGTN/VCG
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |