|
||||||||
|
||
Sa bisperas ng pagdalo ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa gaganaping G20 Summit at pagsasagawa ng dalaw-pang-estado sa Argentina, inilunsad Huwebes, Nobyembre 29, 2018 ang Spanish version ng video series na "Salawikaing Sinipi ni Xi."
Idinaos nang araw ring iyon sa Buenos Aires ang seremonya ng paglulunsad.
May 6 na episodes ang nasabing video series na iprinodyus ng China Media Group (CMG). Isinalaysay nito ang background ng mga salawikain o klasiks na sinipi ni Pangulong Xi sa kanyang mga talumpati, artikulo at pahayag. Nauna rito, inilunsad na ang mga bersyon sa wikang Ingles, Hapones, at Koreano.
Seremonya ng paglulunsad ng Spanish version ng "Salawikaing Sinipi ni Xi Jinping"
Isasahimpapawid ang nasabing video series sa mga mainstream media outlets ng mga bansang nagsasalita ng wikang Espanyol na kinabibilangan ng Argentina at Espanya. Ilalabas din ito sa mga Spanish website ng mga kilalang think tank.
Sa seremonya ng paglulunsad, ipinahayag ni Shen Haixiong, Presidente ng CMG, na ang paglulunsad ng nasabing video series ay nagsisilbing bintana para malaman ng mga manonood na nagsasalita ng Espanyol ang talino at kaisipan ni Pangulong Xi.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |