|
||||||||
|
||
Sa ika-30 ng buwang ito, ang Summit ng mga lider ng G20 ay opisyal na lalahok sa "Oras ng Argentina ". Ito ay pinakamahalagang isyu na magdudulot ng malalim na epekto sa buong mundo sa taong ito.
Sa harap ng mga problema na kinabibilangan ng pagbagal ng paglaki ng kabuhayang pandaigdig, unilateralismo, proteksyonismo at iba pa, gaganap muli o hindi ng papel ang G20?
Mula noong 2013, sunud-sunod na lumahok sa G20 Summit si Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Bilang lider ng bansang tagapangulo, nangulo si Pangulong Xi sa G20 Summit sa lunsod Hangzhou ng Tsina noong 2016.
Sa nakaraang limang pagdaraos ng G20 Summit, binigyan-diin ni Pangulong Xi na dapat itatag ng iba't ibang bansa ang "bukas na kabuhayang pandaigdig," buong tatag na "tinututulan ang proteksyonismo sa kalakalan at pamumuhunan." Sa 2016 Hangzhou G20 Summit, binigyan-diin ni Pangulong Xi na ang "diwa ng partnership" ay pinakamahalagang kayamanan" ng G20, "ito rin ay komong pagpili ng iba't ibang bansa para magkakasamang harapin ang mga hamong pandaigdig."
Walang duda, noong nakaraang 10 taon, iniharap rin ng mga lider ng ibang bansa ng G20 ang mga mabuting mungkahi .
Ang nakaraang 10 taon ng G20 ay tulad ng isang "rearview mirror". Sa pamamagitan nito, nasasariwa ng mga tao ang tema at hamon ng bawat G20 Summit; at sa pamamagitan nito, sa Argentina G20 Summit, kailangang-kailangan ang "aktuwal na aksyon sa koordinasyon at kooperasyon, at diwa ng partnership para sa mutuwal na kapakinabangan."
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |