Huwebes ng gabi, Nobyembre 29, local time, dumating ng Buenos Aires si Pangulong Xi Jinping ng Tsina para dumalo sa gaganaping ika-13 G20 Summit, at isagawa ang dalaw-pang-estado sa Argentina.
Tinukoy ni Xi na ang Tsina at Argentina ay matapat na kaibigang may pagtitiwalaan, at partner na may mutuwal na kapakinabangan. Aniya, kinakatigan ng dalawang bansa ang isa't isa sa sarili nilang landas ng pag-unlad, pinapalalim ang mapagkaibigang kooperasyon, at pinapalakas ang koordinasyon sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig.
Umaasa aniya siyang malawakang makikipagpalitan ng kuru-kuro kay Pangulong Mauricio Macri at sa mga personahe ng iba't ibang sirkulo ng Argentina, para magkakapit-bisig na likhain ang bagong panahon ng komprehensibo't estratehikong partnership ng Tsina at Argentina.
Pagkatapos ng kanyang biyahe sa Argentina, isasagawa ni Xi ang dalaw-pang-estado sa Panama at Portugal.
Salin: Vera