Nagtagpo kahapon, Biyernes, ika-30 ng Nobyembre 2018, sa Buenos Aires, Argentina, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangkalahatang Kalihim Antonio Guterres ng United Nations (UN).
Binigyang-diin ni Xi ang kahalagahan ng multilateralismo sa pagharap sa mga pandaigdig na hamon, at paggigiit ng Tsina sa multilateralismo. Ipinahayag din niya ang pagkatig sa pagpapatingkad ng UN ng mas malaking papel sa mga suliraning pandaigdig.
Ipinahayag naman ni Guterres, na dapat buong tatag na pasulungin ng komunidad ng daigdig ang multilateralismo. Hinahangaan aniya ng UN ang paggigiit ng Tsina sa multilateralismo, at pagkatig sa mga kooperasyong pandaigdig. Ipinahayag din ni Guterres ang pag-asang patitingkarin ng Tsina ang mas malaking papel sa pagpapasulong ng pandaigdig na kalakalan, pagharap sa pagbabago ng klima, pagsasakatuparan ng UN Sustainable Development Goals, at iba pang aspekto.
Salin: Liu Kai