![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Itinanghal sa Philippine Embassy sa Beijing ang pelikulang Bagahe nitong Nobyembre 30, 2018. Inanyayahang dumalo sa film screening ang mga Philippine Studies students mula sa Peking University (PKU) at Beijing Foreign Studies University (BFSU).
Sa kanyang mensahe, inilahad ni Consul General Ivan Frank Olea na layunin ng aktibidad na itaas ang kamalayan hinggil sa pagpigil sa karahasan sa mga kababaihan. Ang buwan ng Nobyembre aniya ay campaign month ng nasabing adbokasiya at itinalaga ang Nobyembre 25 kada taon bilang Ending Violence Against Women Day.
Napapanahon saad niya ang pelikulang Bagahe dahil ito ay tungkol sa mga OFW at ang psychological at socio cultural impact sa kanila ng pagkawalay sa pamilya. Maituturing aniya ito bilang emotional at psychological baggage.
Bilang reaksyon, sinabi ni Hu Xinyi o Wendy ng PKU na hinahangaan niya ang pagpupunyagi at kasipagan ng mga Pilipino sa dayuhang bansa. At hangad niyang itakda ang maraming batas upang maipagtanggol ang kanilang kapakanan.
Samantala sinabi naman ni Li Zhoumeng o Liz mula sa BFSU na tumatak sa isipan niya ang toilet scene dahil ipinakikita nito ang stereotype ng mga kalagayan ng mga OFW at naantig nito ang kalooban niya.
Ang Bagahe ay isang award winning film ni Zig Madamba Dulay. Nanalo ito ng Best Screenplay at Best Actress sa Cinemalaya 2017 Film Festival at nakuha nito ang Jury Award sa Asiatica Film Festival noong in October 2017 sa Italya.
Ulat: Mac Ramos
Larawan: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |