|
||||||||
|
||
Sa Pilipinas kilalang brand ang Master's sardines. Pero ilang taon na ring sinusubukan ng kumpanya ang makapasok sa pamilihang Tsino. Isang paraan ang China-ASEAN Expo (CAEXPO) upang maisakatuparan ang layuning ito, ayon kay Dr. Leoncio Kaw Jr. ng Universal Canning Inc.
Mula noong 2016, lumilipad tungong Nanning, Guangxi ang kanilang grupo upang lumahok sa CAEXPO. Matagumpay naman ang bawat pagsali dahil mabiling-mabili ang Family's Brand sardines, kanilang product line para sa Tsina.
Upang mahuli ang panlasang Tsino, dinebelop ng kumpanya ang fried sardines in oil at fried sardines in black soy bean o tausi. Nadiskubre din nilang hilig ng mga Tsino ang maanghang na uri ng sardinas, ibang iba sa nakagawiang sardines in tomato sauce sa Pilipinas.
Ani Dr. Kaw sa tatlong taong pagsali sa CAEXPO wala silang natanggap na negative feedback sa kanilang produkto. Ito ang batayan niya ng tagumpay ng Family's Brand sardines sa Nanning.
Ano ang mga natutunan niya sa pagsali sa CAEXPO? Una bigyang pansin ang packaging, ikalawa lagyan ng Chinese labels at ikatlo, upang tumugma sa panlasa ng mga Tsino, dapat gumamit ng mga sangkap na mula sa Tsina gaya ng tausi.
Ngayong taon upang maging madali ang bentahan, gumamit si Dr. Kaw ng WeChat Wallet.
Sa darating ng mga taon, hangad niyang magtuloy-tuloy ang magandang karanasan sa CAEXPO at magkahanap ng partner o distributor para makatulong sa maramihang pagbebenta ng produkto sa mas malaking bahagi ng Tsina.
Ulat: Mac Ramos
Larawan: Vera
Web-edit: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |