|
||||||||
|
||
Si Julius Caesar Flores, Consul General ng Pilipinas sa Xiaman
Ipinahayag ni Julius Caesar Flores, Consul General ng Pilipinas sa Xiaman, na ang diplomasya ay hindi lamang nagpopromote ng Pilipinas sa Fujian, kundi nagpapakita ng Fujian at Tsina sa Pilipinas.
Sinabi niyang mahigpit ang ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Fujian at masasabing ang ilang mga Pilipino ay may dugong-Fujian. Dagdag pa niya, ang layunin ng eksibisyon ay ipaalam ang Fujian sa mga Pilipino, lalo na sa mga bata.
Ipinahayag naman ni Li Lin, Consul General ng Tsina sa Davao, na mahalaga ang eksibisyong ito para mapalalim ang pagkaunawa at pagkaalam ng mga Pilipino sa Fujian at Tsina. Sinabi pa niyang lubos na pinahahalagahan ng Pamahalaang Tsino ang relasyon sa Pilipinas. Aniya pa, buong sikap na pasusulungin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan at mainam na isasakatuparan ang mga komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang bansa.
Si William J. Lima, Espesyal na Sugo ng Pilipinas sa isyu ng Tsina
Sinabi naman ni William J. Lima, Espesyal na Sugo ng Pilipinas sa isyu ng Tsina, na ang Davao City ay kanyang home town at ang Fujian ay roots niya at ibang mga Filipino Chinese. Umaasa aniya siyang sa pamamagitan ng eksibisyong ito, malalaman ng mga Pilipino ang mas marami hinggil sa Fujian para mapalalim ang pagkakaunawaan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Bago ang eksibisyong ito, idinaos din nang 7 beses ang parehong aktibidad sa Manila at Cebu. Ang nasabing eksibisyon ay tatagal mula ika-15 hanggang ika-21 ng Oktubre. Dumalo sa seremonya ng pagbubukas ang mga opisyal ng Konsuladang Tsino, mga councilor ng Davao City, mga overseas at ethnic Chinese sa Davao at mga Davaoeno.
Report/Photo: Ernest Wang
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |