|
||||||||
|
||
Buenos Aires, Argentina — Nag-usap kagabi, Disyembre 1 (local time), 2018, sina Pangulong Xi Jinping at Pangulong Donald Trump ng Amerika. Sa matapat at mapagkaibigang atmospera, malalimang nagpalitan ng kuru-kuro ang dalawang lider tungkol sa relasyong Sino-Amerikano at mga isyung pandaigdig na kapwa nila pinahahalagahan. Narating din nila ang mahalagang komong palagay sa maraming isyu. Sinang-ayunan ng dalawang panig na sa pundasyon ng mutuwal na kapakinabangan, palalawakin ang kooperasyon, at sa pundasyon ng paggagalangan sa isa't-isa, kokontrolin ang alitan para magkasamang mapasulong ang relasyon ng dalawang bansa.
Tinukoy ni Pangulong Xi na sa aspekto ng pagpapasulong ng kapayapaan at katatagang pandaigdig, kapwa may mahalagang responsibilidad ang Tsina at Amerika. Aniya, ang isang mainam na relasyong Sino-Amerikano ay hindi lamang angkop sa pundamental na kapakanan ng mga mamamayan ng dalawang bansa, ito rin ay unibersal na mithiin ng komunidad ng daigdig. Dapat aniyang hawakan ng dalawang bansa ang pangkalahatang direksyon ng pag-unlad ng relasyon upang mapasulong ang malusog at matatag na pag-unlad nito at makapagbigay ng mas maraming benepisyo sa mga mamamayang Tsino at Amerikano at buong daigdig.
Sinang-ayunan naman ni Trump ang papuri ni Xi sa relasyon ng dalawang bansa. Ipinahayag niya ang kahandaan ng panig Amerikano na palakasin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa pamamagitan ng pagsasanggunian, at aktibong diyalogo para hanapin ang paborableng kalutasan sa umiiral na problema.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |