Buenos Aires, Argentina — Nag-usap Sabado, Disyembre 1 (local time), 2018, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Donald Trump ng Estados Unidos.
Sinabi ni Xi na bilang kapwa malaking bansa, may malaking impluwensiya ang Tsina at Amerika sa daigdig. Aniya, sa aspekto ng pagpapasulong ng kapayapaan at kasaganaang pandaigdig, may mahalagang responsibilidad ang dalawang bansa. Sa pamamagitan ng pag-uusap na ito, nais pangulong Tsino na magkaroon ng pakikipagpalitan ng kuru-kuro kay Trump tungkol sa mga isyung kapwa nila pinahahalagahan at pagpaplanuhan nang mainam ang relasyong Sino-Amerikano sa susunod na yugto.
Salin: Li Feng