Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Komentaryo: alitang pangkabuhayan at pangkalakalan, sinuspinde ng mga Pangulong Tsino at Amerikano

(GMT+08:00) 2018-12-02 13:57:10       CRI

Nag-usap sa Buenos Aires, Argentina Sabado, Disyembre 1 (local time), 2018 sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Donald Trump ng Estados Unidos. Ito ang unang pagkikita ng dalawang lider sapul nang lumala ang alitang pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa noong nagdaang Marso. Sa pag-uusap, tinalakay ng dalawang lider ang isyung pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa at narating ang komong palagay, kung saan ipinasiya nilang itigil ang mga limitadong hakbanging pangkalakalan na gaya ng pagpapataw ng karagdagang taripa. Inatas din nila sa kanilang grupong pangkabuhayan at pangkalakalan na pabilisin ang pagsasanggunian at magkaroon ng kasunduan para kanselahin ang mga karagdagang taripa sapul nang pumasok ang taong ito, at pasulungin ang pagbalik ng relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa sa normal na orbit sa pinakamadaling panahon.

Sa kasagsagan ng ibayo pang paglala ng alitang pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Amerika, magkasama itong sinuspinde ng dalawang lider. Ito ay nagpapakita ng kanilang mithiing lutasin ang problema sa pamamagitan ng diyalogo. Bukod dito, ipinakita nito ang prinsipyo at posisyon ng panig Tsino sa matatag na pangangalaga sa nukleong kapakanan ng bansa at pundamental na interes ng mga mamamayan.

Ayon sa pagkakasundo ng dalawang lider, batay sa pangangailang panloob ng bansa, ibayo pang palalawakin ng panig Tsino ang pag-aangkat mula sa Amerika sa mga larangang gaya ng agrikultura, enerhiya, at serbisyo para mas mainam na bigyang-kasiyahan ang pangangailan ng mga mamamayan sa kanilang pamumuhay at mapasulong ang kabuhayang pambansa. Sa nasabing mga larangan, may malakas na pagkokomplemento ang Tsina at Amerika. Ang pagdaragdag ng pag-aangkat mula sa Amerika ay nakakatulong sa mas balanseng pag-unlad ng bilateral na kalakalang Sino-Amerikano.

Ayon din sa pagkakasundo, aktibong lulutasin ng panig Amerikano ang pagkabahalang pangkabuhayan at pangkalakalan ng panig Tsino.

Bukod dito, panunumbalikin ng grupong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa ang bagong round ng talastasan sa lalong madaling panahon. Tulad ng dati, ihaharap ng panig Tsino ang mga pragmatikong kalutasan para mapangalagaan ang komong kapakanan ng dalawang bansa at pangkalahatang kalagayan ng pandaigdigang kaayusang pangkalakalan.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>