Alas 12:12 ngayong tanghali, inilunsad ng Tsina ang dalawang satellite ng Saudi Arabia, sa pamamagitan ng Long March-2D rocket, sa Jiuquan Satellite Launch Center sa dakong timog-kanluran ng bansa. Pumasok na sa orbita ang dalawang satellite.
Ang dalawang satellite na kilala bilang SaudiSat 5A at SaudiSat 5B ay sarilinang ginawa ng King Abdulaziz City for Science and Technology (KACST) ng Saudi Arabia. Layon ng mga itong obserbahan ang mundo at kumuha ng mga larawan.
Bagong bunga ito sa pagtutulungang pangkalawalan ng Tsina't Saudi Arabia.
Nitong nagdaang Mayo 21, kasama ng Chang'e-4 relay satellite na inilunsad ng Tsina para sa lunar probe, isang optical camera na idinebelop ng KACST ang nakainstala sa isang micro satellite na Longjiang-2 ng Tsina. Nitong nagdaang Hunyo, magkasamang inilabas ng dalawang bansa ang tatlong larawan ng buwan na kinuha sa kanilang nabanggit na pagtutulungan.
Salin: Jade
Pulido: Mac