Sa Bejing, noong Agosto 31, 2016, kinatagpo ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina si Mohammed bin Salman Al Saud, Deputy Crown Prince at Ministrong Pandepensa ng Saudi Arabia, na siyang dadalo sa gaganaping Hangzhou G20 Summit. Binigyang-diin ni Pangulo Xi na positibo ang Tsina sa pagsisikap ng Saudi Arabia sa pangangalaga sa seguridad ng estado, at pagsisikap nito, kasama ng mga may-kinalamang panig para sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon. Umaasa aniya ang Pangulong Tsino na pabibilisin ng Tsina at Saudi Arabia ang pag-uugnay sa kani-kanilang pambansang estratehiyang pangkaunlaran, pahihigpitin ang pragmatikong pagtutulungan, batay sa balangkas ng "Belt and Road Initiative," pasusulungin ang pagtutulungan sa imprastruktura, pinansya, industriya ng pagmamanupaktura, enerhiya, at isasakatuparan ang mga estratehikong proyektong pangkooperasyon. Aniya, may bentahe ang Tsina sa larangan ng produktibong kakahayan, kasangkapan, at teknolohiya para sa inobasyon, at natatanggap at ginagamit ang mga ito sa buong mundo. Ito aniya'y posibleng magbigay-tulong sa Saudi Arabia para maisakatuparan ang kanyang estratehiyang pangkaunlaran ng pambansang kabuhayan.
Tinukoy ng Pangulong Tsino na bilang dalawang kasapi ng G20, inaasahang magkasamang magsisikap ang Tsina at Saudi Arbia para pasulungin ang Hangzhou Summit na gumanap ng mahalagang papel sa pagpapasulong ng kabuhayang pandaigdig at pagpapabuti ng global governance.
Ipinahayag naman ni Mohammed bin Salman Al Saud, na bilang estratehikong magkatuwang, positibo ang Saudi Arabia sa paninindigan ng Tsina sa isyu ng Taiwan, South China Sea, at mga isyung pandaigdig. Nakahanda aniya ang Saudi Arabia na pabilisin ang pag-uugnay ng sariling estratehiyang pangkaunlaran at "Belt and Road Initiative," at pasulungin ang pagtutulungan ng dalawang panig sa ibat-ibang larangan.
Umaasa aniya siyang magtatagumpay ang Hangzhou G20 Summit.