Pumasok na sa takdang orbita ang relay satellite para sa Chang'e-4 lunar probe. Ito ang ipinatalastas Huwebes, Hunyo 14 ng China National Space Administration (CNSA).
Alas 11:06 sa umaga ng Huwebes, ang satellite na tinaguriang Queqiao (Magpie Bridge) sa wikang Tsino ay pumasok sa Halo orbit malapit sa second Lagrangian (L2) point ng Earth-Moon system, na 65,000 kilometro ang layo mula sa buwan, pagkaraan ng mahigit 20 araw na biyahe. Napaimbulog ang satellite nitong nagdaang Mayo 21.
Ayon sa CNSA, ang nasabing satellite ay ang unang communication satellite ng daigdig na nagsasaoperasyon sa naturang orbita. Lalatag ito ng pundasyon para sa Chang'e-4, na inaasahang magiging unang soft-landing at roving na probe ng daigdig sa "far side" ng buwan.
Salin: Jade