Dalawang pelikulang Tsino ang inilabas nitong Huwebes at Biyernes ng gabi sa Battambang, lalawigan sa dakong hilaga-kanluran ng Cambodia. Mahigit sanlibong mamamayang lokal ang nakapanood sa nasabing dalawang pelikulang Tsino na Wolf Warrior 2 at Running Like Wind.
Itatanghal din ang nasabing dalawang pelikula, kasama ng mga pelikulang Kambodyano sa iba pang mga lugar ng Cambodia na gaya ng Siem Reap, Kampong Thom, Stung Treng , Ratanakiri , Mondulkiri at Phnom Penh.
Ang programang tinaguriang "Bukas na Sinehan" ay nasa magkakasamang pagtataguyod ng Pasuguan ng Tsina sa Cambodia, China Radio International, China Film Group Corporation, at Ministri ng Kultura at Sining ng Cambodia.
Sapul nang ilunsad ang program noong 2016, mahigit sampung pelikulang Tsino at Kambodiyano ang inilabas sa 14 na lalawigan at lungsod ng Cambodia. Mahigit 40,000 mamamayang lokal ang nakapanood sa naturang mga pelikula.
Salin: Jade
Pulido: Mac