Idinaos kamakailan sa London ang Ika-5 Global China Dialogue (GCD), na may temang Pangangasiwa sa Pandaigdig na Katarungan.
Halos 50 tauhan mula sa Britanya, Tsina, Australia, Czech Republic, Alemanya, Estados Unidos at iba pa ang lumahok sa tatlong araw na diyalogo. Kabilang sa apat na pangunahing paksa ay pagkaka-inklusibo, kapaligiran, karapatan at alitan.
Ang GCD ay isang pandaigdig na taunang porum na nagtatampok sa transculturality at social creativity. Layon nitong pasulungin ang pag-unawa ng puliko sa mga isyung pandaigdig at paglahok nila sa pandaigdig na pangangasiwa.
Salin: Jade
Pulido: Rhio