Sa sidelines ng Ika-12 Asia-Europe Meeting Summit (ASEM) na idinaos nitong Biyernes, Oktubre 19, sa Brussels, Belgium, nagtagpo sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministro Theresa May ng Britanya. Nakahanda ang dalawang lider na itatag ang mas malapit na relasyong pangkooperasyon ng Tsina't Britanya.
Sinabi ni Premyer Li na sa taunang pulong ng puno ng pamahalaan ng dalawang bansa noong unang dako ng taong ito, nagkasundo ang Tsina at Britanya na pabilisin ang pag-uugnayan ng mga Shanghai-London Stocks. Bunga nito, ang Britanya ang unang bansa kung saan ang securities market nito ay nakikipag-ugnay sa pamilihang Tsino, saad ng premyer Tsino. Nakahanda ang Tsina na ibayo pang magbukas sa labas, at paluwagin ang pagpasok sa pamilihang Tsino ng mga sektor ng pinansya at serbisyo.
Ipinahayag naman ni Punong Ministro May ang mainit na pagtanggap sa ibayo pang pagbubukas ng Tsina. Sinabi niyang itinuturing ng Britanya ang Tsina bilang mahalagang bahagi ng pandaigdig na partnership nito. Nakahanda aniya ang Britanya na patuloy na pasulungin ang malusog na pag-unlad ng relasyong pangkabuhaya't pangkalakalan ng dalawang bansa sa pamamagitan ng kanilang mga umiiral na mekanismo ng diyalogo.
Salin: Jade
Pulido: Mac